NEWS:  CCP KANTO KULTURA BARAPTASAN 2024, inilunsad

Ang Baraptasan ay isang pagkakataon na ipakita ang inyong galing sa pagra-rap, pagtanghal, pagbuo ng makabuluhang mga taludtod, at pagpapahayag ng inyong mga opinyon ukol sa mga makabuluhang mga isyu ng lipunan. Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Sali na!

Inilulunsad ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ang isang natatanging timpalak: CCP Kanto Kultura Baraptasan 2024.

Bukas sa lahat ng Pilipinong may edad na 18 pataas, ang pambansang kompetisyon ay
paghahanda sa sentenaryo ng Balagtasan, na unang idinaos noong Abril 6, 1924 sa Maynila.

Tumataginting na Php 300,000 ang premyo para sa unang gantimpala, P200,000 sa ikalawa, P100,000 sa ikatlo, at pitong P50,000 bilang consolation prizes.

Sino ang maaring sumali?

Ang kompetisyon ay  bukas sa lahat ng mamamayang Pilipino na 18 taong gulang o mahigit ang edad.

Ang bawat kalahok ay bubuin ng isang pangkat na may tatlong kasapi na magtatanghal sang-ayon sa daloy ng balagtasan ngunitsa pamamagitan ng rap, gamit ang alinmang pangunahing wika na ito: Filipino, Cebuano, Hiligaynon, at Ilokano.

Paano sumali?

Ang pangkat ang lilikha at susulat ng kanilang lahok na tatalakay sa isa sa mga sumusunod na paksa:

  1. Sa pagsusulong ng kaunlaran ng bansa, aling paraan ang dapat gamitin - makabago o makaluma?
  2. Nakakatulong ba ang social media sa pag-unlad ng kaisipan ng mamamayan - oo o hindi?
  3. Kailangan bang mangibang-bayan upang higit na mapaunlad ang sarili?

Sa pamamagitan ng Google Form mula sa CCP Kanto Kultura, ang bawat kalahok na pangkat ay magpapadala ng video ng kanilang grupo na nagpapakita ng pagtatanghal nila ng kanilang piyesa, may manonood man o wala. Ang laman at pagtatanghal ng bawat grupo ay dapat orihinal. Ang video ay kailangang i-upload sa Google Drive at ibahagi sa CCP ang link nito.

Ang mga lahok na video ay kailangang isumite gamit ang Google Form na ito, at dapat matanggap ng Cultural Center of the Philippines bago sumapit ang Nobyembre 1, 2023.

Patunay ng pagkakakilanlan at orihinal na gawa

Bukod sa ibabahagi ninyong Google Drive link ng inyong pagtatanghal, kailangan niyo ring ihanda ang kopya ng Valid ID ng bawat kasapi sa inyong grupo, bilang patunay na kayo ay Pilipino at 18 o mahigit ang edad.

Ang CCP ay lubos na sumusuway sa pandaraya at pagnanakaw ng ideya at gawa ng iba. Alinsunod dito, lahat ng ipinasa na mga entry ay dapat gawang orihinal. Hinihiling din namin sa lahat ng mga aplikante na punan at lagdaan ang sertipikasyong ito.

Ang bawat lahok ay inaasahang sumunod sa daloy ng tradisyunal na balagtasan, gaya ng sumusunod:

  • Panimula ng Lakandiwa (Kasama ang Pagpapakilala)
  • Unang Tindig ng Unang Magbabaraptas
  • Unang Tugon ng Ikalawang Magbabaraptas
  • Ikalawang Tindig ng Unang Magbabaraptas
  • Ikalawang Tugon ng Ikalawang Magbabaraptas
  • Ikatlong Tindig ng Unang Magbabaraptas
  • Ikadlong Tugon ng Ikalawang Magbabaraptas
  • Paglalagom ng Unang Magbabaraptas
  • Paglalagom ng Ikalawang Magbabaraptas
  • Pagtatapos ng Lakandiwa

Maaaring magkaroon ng karagdagang maikling sagot ang Lakandiwa pagkatapos ng mga tindig at tugon ng mga magbabaraptas, ngunit ang buong pagtatanghal ay kailangang hindi lalampas ng sampung minuto.

Gantimpala

Ang premyo sa Pambansang Kompetisyon ay ang mga sumusunod:

  • UNANG GANTIMPALA – PHP 300,000
  • IKALAWANG GANTIMPALA – PHP 200,000
  • IKATLONG GANTIMPALA – PHP 100,000
  • PITONG (7) FINALISTS – PHP 50,000

Para sa anumang katanungan, maaari po kayong magpadala ng mensahe sa amin sa [email protected].

SOURCE: CCP Facebook Page

More contents

© 2023 Culture Nurtures. All Rights Reserved
All content, including posts, images, and pages on this website, is protected by copyright, unless stated otherwise. You may not reproduce any of this content on another website or blog without the author's explicit written permission. Violations will be subject to all applicable laws.

Collaborate With Us

[email protected]
+63 998 765 2390
Website by: StratBit.com
Our blog content is regularly updated, but we recommend that you verify the information directly with the relevant brand or organization. 

We cannot be held liable for any negative incidents resulting from your use of this site. For more information, please read our full.
Terms of Use and Privacy Policy
cross
linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram